SARANGGOLA

by Ben&Ben


Lyrics

Saranggola'y lilipad sa kahel na kalangitan
Paalam na nga ba sa ating nakaraan?
Ngunit sa'n man tayo hipan ng amihan
'Di ipagpapalit ang pagkakaibigan

Ooh, ooh
Ooh, ooh

Kung aking uulitin itong mahabang biyahe
Sa kada yugto ng ating paglalakbay
Wala 'kong babaguhin, ni isang detalye
Sa dami ba naman ng sinuong magkasabay

Sa pagbadya ng kulimlim na tinadhana
'Di magmamaliw ating mga gunita
Saranggola'y lilipad sa kahel na kalangitan
Paalam na nga ba sa ating nakaraan?
Ngunit sa'n man tayo hipan ng amihan
'Di ipagpapalit ang pagkakaibigan

Ooh, ooh
Ooh, ooh

Lumang mga larawang nakaplasta sa mga dingding
May tamis at pait
Babalikan tambayan na tindahan, kuwentuhang magdamagan
No'ng bata pa't nangangarap lang

Sa pagkagat ng realidad ng buhay
Landas nati'y sadyang magkakahiwalay

Saranggola'y lilipad sa kahel na kalangitan
Paalam na nga ba sa ating nakaraan?
Ngunit sa'n man tayo hipan ng amihan
'Di ipagpapalit ang pagkakaibigan

Sarado na ang kabanata
Ngunit ba't ayaw ko pang harapin ang katotohanang
Hindi na nga tugma ang patutunguhan?
Sa'n man hipan ng hanging amihan
'Di ipagpapalit ang pagkakaibigan
Salamat sa 'ting pinagsamahan
'Di ipagpapalit ang pagkakaibigan
('Di ipagpapalit ang pagkakaibigan)

Saranggola'y lilipad sa kahel na kalangitan
Paalam na nga ba sa ating nakaraan?
Ngunit sa'n man tayo hipan ng amihan
'Di ipagpapalit ang pagkakaibigan

Saranggola'y lilipad sa kahel na kalangitan
Pangarap na lang ba ang ating walang-hanggan?
Sa'n man tayo hipan ng amihan
'Di ipagpapalit ang pagkakaibigan

Saranggola (lilipad, lilipad na)
Saranggola (lilipad, lilipad na)
Kahel na ang kulay ng kalangitan
Saranggola (lilipad, lilipad na)